Business as Usual
DAHIL Good Friday, naisipan namin ni Mike na pumunta sa Tondo Church to check out ang "happenings" doon. Siyempre, dahil tanghali na, wala na kaming naabutang nagpi-penitensiya.
Pero kaloka, buhay na buhay ang Tondo Church. Ang daming nagbebenta ng laruan, popcorn, buko salad, Yakult, mani, softdrinks at C2. Marami ring nagbebenta ng colorful balloons at colorful candles (na ang bawat isa pala ay may corresponding wish kung gusto mo siyang itirik; hal, green para sa money, or peach para sa mga estudyanteng may exam). At natuwa ako nang makita ko na may nagbibenta pa rin pala ng palayuk-palayukan doon na dinadayo ko pa noong bata pa ako. Hindi ko napigilan, nagpabili ako kay Mike ng isa.
Walang masyadong nangyayari sa loob ng simbahan pagdating namin, pero siyempre marami ang nagbi-Bisita Iglesia at marami rin ang nagno-Novena. May widescreen projector lang sa gitna na may inspirational video na ipinapalabas at nasa gitna rin ang isang malaking duguang Kristo na nakapako sa krus. Generally though, hindi taimtim ang simbahan, wala rin naman masyadong fanfare.
Pero ang napuna ko sa lahat eh ang mga sign ng "Proper Attire" sa tuwing magsisimba. Na-realize ko kasing wala pala ako sa "Proper Attire" dahil naka-sleeveless akong dress (na nagmukhang ordinaryong daster dahil sa pawisan kong hitsura) at naka-tsinelas na goma. Isa pa, hindi ako nakapagpa-pedicure so nanggigitata ang paa ko na para bang nautusan lang na bumili ng Coke Zero sa kanto.
Pero mas kapansin-pansin na marami-rami pala kaming hindi nakasuot ng sinasabing proper attire. Marami ang naka-shorts, sleeveless, walang kuwelyong damit, at higit na mas marami ang naka-tsinelas. Ordinaryong rubber slippers ha, hindi Havaianas o kahit man lang Dupe. Although hindi naman palalabasin sa simbahan ang mga taong hindi "proper" ang attire, dapat yata i-exempt na ang simbahang ito sa panawagang iyon ng simbahan kasi Tondo Church naman ito, marami sa mga nagsisimba dito eh mga tindera sa palengke ng Pritil at mga pahinante sa Divisoria. Buti nga, may time at energy pa sila para mangilin, i-require pa ba silang magdamit nang maayos.
Speaking of Pritil, dumaan kami sa Pritil Market bago kami umuwi. Aba, buhay na buhay din ito, as in business as usual. Kahit ang mga nagbebenta ng tsinelas at karne present din. Siyempre, patok ang lahat ng isda at gulay--marami pa rin kasi ang ayaw kumain ng karne dahil Good Friday nga. Pero may isa pang mabenta dahil Good Friday--'yung mga sando, t-shirt, o panyo na may silkscreen ng seven last words ni Jesus. As in on the spot ito ginagawa dahil dala-dala nila ang mismong pang-silkscreen, at puwede ka pang mamili ng colors at design. Kaya kahit tirik na tirik ang araw, deadma. Patok pa rin ito sa mga mamimili sa Pritil.
***
Walang masyadong kakaiba sa araw na ito. Well, wala pa namang alas-dos ng hapon. Pero iba na ang Good Friday ngayon, hindi gaya noong bata ako na parang lahat ng tao eh nago-observe.
Una, siguro dahil may cable TV na, may mapapanood pa rin ngayon sa TV kahit Good Friday. Ikalawa, praktikal na lahat ng tao ngayon, alam nilang kelangan pa ring kumain ng mga tao o maglibang (dahil minsan lang mabakasyon) kaya lahat ng tindera go pa rin sa pagtitinda. Ikatlo, miss ko nang manood ng Haunted House, Shake, Rattle, and Roll 1, o ng pre-Passion of the Christ na kuwento ni Jesus tuwing Good Friday. And lastly, wala na masyadong naniniwala sa mga pamahiin na bawal nang maligo kapag lagpas na ng alas-3 ng hapon o bawal magkasugat kapag Good Friday dahil hindi na gagaling.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home