Moderating Greed
Ito ang ilan sa mga puntos ng kanyang statement:
1. Humihingi ng US$130M -- as in MILLION -- commission si resigned Comelec Chair Benjamin Abalos, Sr. mula sa NBN deal, na dapat ay pamumunuan ng grupo ni Joey de Venecia sa tulong ng grupo ni Abalos. US$262 lang ang original price ng kabuuang deal, ibig sabihin half nito ay hinihinging komisyon ni Abalos.
2. Nang magreklamo si Joey de Venecia tungkol sa laki ng komisyon, naisip ni Abalos na dapat ay sila na lang ang mamuno ng proyekto. Sa halip na under Build-Operate-Transfer na proposed ng grupo ni Joey, gusto ni Abalos na matuloy ang proyekto by securing a loan from China. Kaya isang araw ay tinawagan ni Abalos si FG Mike Arroyo at sinabing kailangan ng loan. Hindi raw narinig ni Lozada kung anong sagot ni FG pero sumagot si Abalos na "Kung ganyan kayo kagulong kausap, kalimutan na natin ang lahat ng usapan." After a few days, na-approve ang loan mula sa China.
3. Nang ikuwento ni Lozada kay dating NEDA chair Romulo Neri ang "protection" na hinihingi ni Abalos sa US$130 million na komisyon, sinabihan ni Neri si Lozada to "moderate their greed."
4. Kahapon, pagkalapag niya sa airport galing Hong Kong, kinuha si Lozada mula sa tube (eroplano) ng isang grupo na hindi naman nagpakilala sa kanya, nag-drive around sila hanggang sa lumabas sila ng Metro Manila at makarating pa ng Calamba, Laguna. Ani Lozada, may puntong naisip niya na na-kidnap siya. Pero may tumawag sa grupo at nag-utos na bumalik na sila ng Maynila.
5. May grupong nagpakilala na emissaries ng kanyang boss sa DENR na si Sec. Lito Atienza. May dala itong mga dokumento na pinapirmahan sa kanya na 1) nagsasabing nag-request siya ng security pagdating sa airport; at 2) na wala siyang kinausap tungkol sa ZTE deal maliban sa mga engineers at technical staff.
6. Ani Lozada, wala siyang nire-request na security mula sa pulisya o kaninuman.
***
Nakakagalit, lalo na kung nakakaltasan ka ng malaki-laking tax mula sa sahod mo, pumupunta ka sa mga eskuwelahan tuwing botohan para gampanan ang tungkulin mo bilang Pilipino, o nababalitaan mong hindi mataasan nang husto ang pondo ng edukasyon o kalusugan dahil kulang tayo sa budget, na mabalitaang may mga opisyal ng gobyerno na abusadong kumakamal ng US 130 million dollars mula sa proyektong pagbabayaran ng kaban ng bayan.
Pero mas nakakagalit kung iisipin kung gaano ka-greedy ang mga tao para mag-demand ng US$130 million na komisyon mula sa isang government project na pagbabayaran ng taong bayan. Matapos mag-release ang gobyerno ng statement noon na kailangan lang ng P49 ng isang tao sa isang araw para mabuhay, may mga taong walang habas na nangangamkam ng 130 million dollars!
Nagtataka tuloy ako kung bakit hindi pa tayo nagkakaroon ng isang revolt ngayon (pero hindi pa rin revolt ang solusyon). I'm sure, tip of the iceberg pa lang talaga itong NBN deal na ito. Naalala ninyo ang billions of pesos na ginastos ng Comelec para i-computerize daw ang elections (panahon na ni Abalos ito) pero last minute ay sinabi ni Abalos na defective daw ang contract at materials? Natabunan na ang balitang ito pero ngayon, nagwo-wonder tuloy ako kung magkano ang kinita ni Abalos at ng iba pang tao mula dito?
Nakakagalit, nakakasuka, nakakasulasok ang pagkagahaman sa pera ng ating mga pinuno. Hindi, hindi ako naniniwalang ang pagpapalit lang sa kanila ang solusyon dito at 'wag rin sana akong hiritan na kailangan na lang nating mag-move on para gumanda ang ating ekonomiya. Hindi, hindi lang ang pagpapalit ng liderato ang solusyon at kailanma'y hindi puwedeng maging husto na ang pagpapalit lamang ng mga mukha.
Maganda sigurong magsimula sa paghahanap sa alternatibo. Sa tingin mo?