One month to go
DAPAT eh may ginagawa ako ngayong trabaho. Actually, dapat tapos na ako kanina pa sa trabaho. Pero for some reason, pareho kami ng laptop ko ngayon - nagha-hang.
Kanina pa ako nagre-research sa Internet ng mga bagay na maisusulat. Pero madalas, bigla na lang akong napapatulala, napapahawak sa tiyan at napapahintay sa pagsipa ni Maru na ikinatutuwa ko. Pero pagkatapos ay napapatingin ako sa mga paa ko na kanina pa masakit - grabe, ang laki na ng manas ko. Dapat ko na yatang itaas. Kapag tinataas ko naman, nararamdaman kong parang nasisikipan si Maru sa ginagalawan niya at maglilikot siya sa loob hanggang sa masakit na ang ribs ko. Ngayon, ang sakit sakit tuloy ng ribs ko at pakiramdam ko eh may malaki akong pasa sa loob ng katawan.
Hindi pa naman ako manganganak. One month to go pa. Pero super uncomfortable ng pakiramdam. Bukod sa sobrang init, lagi akong pinagpapawisan kahit nakaupo, hindi ako makalakad nang makalakad dahil masakit nga sa manas ko nang paa, hindi rin ako makapag-trabaho nang maayos dahil lumilipad ang utak ko tungo kung saan-saan o kaya'y madalas akong inaabutan ng antok. Sobrang antok na nakakatulog ako sa harap ng computer.
Kapag gabi naman eh hindi ako makatulog nang dire-diretso. Maximum of four hours lang yata araw-araw ang itinutulog ko lately at kadalasan nagigising ako dahil naiihi na ako. Bukod dito, iintindihin ko pa siyempre ang pagluluto ng lunch (para makatipid kami at hindi na bumili pa sa labas), paghuhugas ng pinggan, pagpasok sa trabaho (kung kaya ng paa ko), at pag-uwi nang hindi sana nagta-taxi para hindi magastos.
Man. Ang hirap palang magbuntis. Napaka-uncomfortable. Pero sa isang banda, masaya din dahil nakaka-excite. Nakakapagod lang dahil ayoko talaga nang naiinitan nang husto, lalo na kapag humid ang panahon at ganitong wala pa kaming aircon.
O well, antok na ako. Mukhang kung anu-ano na sinusulat ko. At hindi pa rin ako tapos sa ginagawa ko. Wala akong makuhang magandang info. O baka ewan, mabagal lang talaga ang processing ng utak ko ngayon. One month na lang kasi. Syet, ang sakit na naman ng ribs ko.