2.16.2008

Bitterness

UMATTEND ba kayo ng rally sa Makati kahapon? Ako hindi. Magco-cover sana ako pero hindi ako nakapunta matapos magmakaawa ni Mike na 'wag na raw akong pumunta dahil buntis ako at masyadong mahaba ang lalakarin ko para sa isang buntis. Fine. Fine. So pinanood ko na lang siya sa TV.

Although marami-rami rin naman ang sumama (base sa aerial shots ng ANC), medyo bungi-bungi ang crowd at naging concert ang dating ng rally. Nevertheless, magandang simula ito at sana eh ma-sustain para mas marami pang dumalo sa susunod.

Meron lang kaming napansin na nakakatawa: Mukhang nag-moderate din ng budget ang organizers ng rally. Kasi naman, heto ang stage design:

Dsc00673

O di ba? Masyadong ininternalize ang "moderate your greed" slogan.

Pero teka, mali nga eh. Hindi dapat Moderate Your Greed ang panawagan natin. Dapat ZERO GREED para wala talagang kickbackan.

***

Isang rason kung bakit gusto ko sanang pumunta sa rally eh dahil nanggigigil pa rin ako sa gravity ng korupsyon sa gobyerno. Sabi ko nga, nakasusulasok ang kumisyunan. Imagine, anong gagawin mo sa, say, $70M?

Samantalagang may mga gaya namin na nagtitiyaga na lang sa ganito kapag Valentine's Day:

Dsc00669

Buti na lang kahit panay ang austerity measures namin eh happy pa rin. Sabi nga ng mga mahilig sa cliché, "Kahit walang pera basta ang mahalaga, magkasama."