4.28.2008

How can we ever thank thee?

SA LAHAT ng dumalo sa aming baby shower, bumati, nagbigay ng gifts, nagpadala ng regalo, bumili ng regalo pero hindi nakapunta, nagdala ng chips, tumulong, sumuporta, nagluto, nautusan, at marami pang iba...

MARAMING SALAMAT!

Nakaka-touch ang pakikibahagi ninyo sa exciting na panahon na ito para sa amin ni Mike.

Hugs, hugs, hugs!

Kay Mai dahil sa pagpapahiram nya ng venue para sa Baby Shower. Kung hindi dahil sa kanya, malamang hindi kami natuloy sa pagpapa-Baby Shower.
Sa kapatid kong si Ronald at asawa niyang si Cathie kasi tinupad nila ang "wish" kong "Baby Couture" bag, hehe.
Sa Nanay ko na nagpadala ng pera pambili ng beer.
Kay Kuya Ricky at Ate Bek na nagluto ng adobong baboy at tinurbong manok, at pagdo-donate ng kung anu-anong makukutkot.
Kay Ate Gie sa pagpapahiram ng sasakyan.
Kay Tita Lucy para sa samu't saring errands gaya ng paghahanap ng lalagyan, etc.
Kina Andrew, sa kanyang GF, at kay Mathew sa pagtulong kay Mike sa paglilinis ng venue at pag-iihaw ng isda.
Sa mga kabarkada kong sina Marlon, Aya, Dieph, at AD na nagregalo ng super eksenadorang stroller para kay Maru, gumawa ng mini-program, at nautusang mag-deliver ng Amber Pancit Malabon (da best) at pichi-pichi.
Kina Peter (at Allan), at KP (at Tristan) na kahit matagal ko nang hindi nakikita eh dumalo para sumuporta (Ang bibo ng gifts nyo, very touching).
Kay Jingo na deadma man sa text at email eh biglang sumulpot at nanguna sa videoke. Salamat!
Kay Carol sa pagpapadala ng badly-needed electric steam sterilizer. Thank you mare!
Kina Abet at Erick na game na nakilahok sa "programa" at nagpahaba ng mga exciting na kwentuhan para mag-enjoy pa ang mga bisita.
Kina Mareng Pia (at Ken) at Mareng Gina na kahit malayo ang venue eh super dumayo pa para sumuporta.
Kay Pareng Ramil at sa kaibigan nila ni Mike na si Wilma (nice meeting you!), super thank you! Sayang dapat nag-duet kayo.
Kay Karen at Hadji (mga kasama ko sa GMA at Viva), speechless ako sa kanilang pagpunta at pagdala ng regalo kahit alam kong sobrang hassle para sa kanila. Sana nabusog ko kayo. Sobrang touched talaga ako.
Kay Jeyow na kahit malayo pa ang uuwian eh nag-join pa rin (to think na mag-isa lang siya ha).
Kay Eileen at Direk Consci sa kanilang walang sawang suporta sa amin ni Mike.
Kina Ces, Ray, at Allen (mga kasama ko sa One Philippines) sa walang sawang pag-intindi sa ka-opisina nilang buntis at sabog ang utak.
Kay Roja sa mga payong pang-Nanay kahit na wala pa siyang anak. Hehehe.
Sa mga pamangkin kong sina Jana at Sheldon sa pagtulong sa venue.
Kay Maya dahil excited na siya sa paglabas ng kapatid niya.
Kay Mike dahil naubos yata ang enerhiya niya (at cash) para sa paghahanda sa munti naming Baby Shower. Sige na nga, baka puwede pa sa 9th month (ahihi!).

Sa mga taong ginustong pumunta pero hindi nakadalo--OK lang. Hindi ninyo kailangang mag-sorry at mag-explain. Bawi na lang kayo sa paglabas ni Maru. Hehehe. Seriously, masaya na kami dahil alam naming ginusto ninyong maging bahagi ng paglabas ng aming anak.

At sa iba pang hindi namin nabanggit, salamat, salamat, salamat. Hindi magiging masaya ang aming Baby Shower kung wala kayo.